Virtual Life-Changing Training Event

Mamuhay nang masagana. Maibahagi ito sa iba. Piliin ang landas na nais mo para sa'yo. Ang FARM STEW Virtual Learning Community (VLC) ay isang online training na nakakapagbago ng buhay. Ito ay idinisenyo para malinang ang iyong kaalaman at kasanayan para sa mas malagong buhay at komunidad.

Petsa: Abril 6-Hunyo 28 2026

Format: 100% Online

Pamagat ng Kurso: Introduksiyon sa Resipe ng FARM STEW

Sa pamamagitan ng 3-buwang kursong ito, matututunan mo ang mga praktikal na kasanayan at prinsipyo batay sa FARM STEW resipe para sa masaganang pamumuhay:

-Fruitful Farming (Produktibong Pagsasaka/Pagtatanim)

-Attitude (Positibong Pananaw)

-Rest (Nakapagpapalakas na Pahinga)

-Meals (Masustansyang Pagkain)

-Sanitation (Wastong Sanitasyon)

-Temperance (Matalinong Pagtitimpi)

-Enterprise (Mapagkakakitaang Negosyo)

-Water (Malinis na Tubig)

LIBRENG TUITION

Halaga ng Sertipiko:

-$10 - Para sa mga naninirahan sa Developing Nations (Umuunlad na bansa)

-$25 - Para sa mga naninirahan sa Developed Nations (Maunlad na bansa)

Live Virtual Training (Abril - Hunyo 2026)

Makilahok sa mga susunod na makabuluhang lingguhang pag-aaral at talakayan mula Abril hanggang Hunyo 2026!

Lumago sa espiritwal at praktikal na pamumuhay kasama ang mga lider ng FARM STEW at ng pandaigdigang komunidad na nakatuon sa pagbabahagi ng isang masaganang buhay.

Self-Paced Online Course

Matuto kahit saan at kahit kailan sa pamamagitan ng mga kawili-wiling videos at suporta ng mga facilitator. Ang registration para sa Abril hanggang Hunyo na session ay Bukas Na! Maaari kang magsimula kung ikaw ay handa na!

Sabbath School Small Group Study (Abangan)

Pag-aralan ang mga leksyon na nakalimbag/naka-print o digital kasama ang iba at ipagdiwang natin ang paglago ng bawat isa.

Simulan ang iyong paglalakbay ngayon at maging kasangkapan sa pagkakaroon ng masaganang pamumuhay para sa iyo at para sa iba.

Sama-sama tayong makiisa tungo sa pag-ahon mula sa kahirapan, pagtataguyod ng mabuting kalusugan, at pagbabahagi ng pag-asa sa sanlibutan. Huwag palampasin ang pagkakataong ito na lumago, matuto, at magdulot ng pagbabago!

Para sa iba pang mga detalye, maaaring mag-email sa: train@farmstew.org